Nagdeklara ng pansamantalang tigil-putukan ang New People’s Army o NPA sa mga lugar na apektado ng magnitude 6.7 na lindol sa Mindanao Region.
Ayon sa inilabas na pahayag ng North Eastern Mindanao Region Command ng NPA, sakop ng temporary unilateral cease fire ang probinsya ng Surigao del Norte at ang mga munisipalidad ng Cabadbaran, Tubay, Jabonga at Santiago sa Agusan del Norte.
Epektibo ang tigil-putukan simula noong Sabado, February 11 at magtatapos alas onse singkwenta y singko ng gabi sa February 20.
Layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga rebelde, pamahalaan at non-government organizations na mapayapang makapaghatid ng agarang tulong sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Umaasa naman ang rebeldeng grupo na susundan naman ng pamahalaan ang hakbang nilang ito.
Tags: idineklara ng NPA, Temporary unilateral ceasefire sa mga lugar na naapektuhan ng lindol