Temporary treatment and monitoring facilities sa Baguio City, muling binuksan

by Radyo La Verdad | January 23, 2022 (Sunday) | 1638

BAGUIO CITY – Binuksan muli ng City Health Services Office (HSO) ang ilang temporary treatment and monitoring facilities (TTMFs) sa Baguio City nitong Huwebes (January 20) bilang karagdagang pasilidad para sa COVID-19 patients kasunod ng patuloy na pagtaas ng aktibong kaso sa lungsod.

Ayon kay Public Information Office Chief Aileen Refuerzo, kabilang sa binuksan ang Eurotel at Pinkhouse TTMFs matapos na pansamantalang ipasara nitong Disyembre dahil sa COVID-19.

Maliban dito, inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang 2 pang pasilidad sa lungsod para pa rin sa COVID-19 patients.

Una ng sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na sumasailalim na sa pag-aayos ang Baguio City Community Isolation Center sa dating Sto. Nino Hospital na pinakamalaki at main isolation facility sa siyudad para sa mga pasyenteng mag-a-isolate.

Batay sa datos ng Department of Health-Cordillera, mula sa 40 active cases noong December 30, nitong Huwebes (January 20) lamang ay pumalo sa 4, 272 ang aktibong kaso sa lungsod.

(Renee Lovedorial | La Verdad Correspondent)

Tags: ,