Manila, Philippines – Dumarami na ang mga lugar sa bansa na nakakaranas ng matataas na temperatura. Nito lamang April 9 ay umabot sa 51.7’c ang heat index o temperaturang naramdaman sa katawan sa Dagupan city sa Pangasinan.
Ayon sa Pagasa, posibleng tumaas pa ang maitatalang temperatura sa mga susunod na araw dahil narin sa epekto ng El niño.
“During el niño mas mataas tayo sa normal. Siguro pwede pa tayong maka expect ng mas mataas (na temperature) until may.”ani PAGASA-IAAS Asst. Weather Service Chief, Thelma Cinco
Naitala ang pinagkamataas na temperaturang 42.2’c sa Tuguegarao noong April 22, 1912 at May 11, 1969.
Mas mataas ang heat index kumpara sa aktuwal na temperatura sa isang lugar. Inilalabas ito ng pagasa upang mabigyan ng gabay ang publiko sa panganib sa kalusugan lalo na ang may sakit na hypertension.
“Yung ramdam mong init, mainit na mas mainit pa yung maramdaman mo dahil yung pawis mo hindi nag-evaporate
pag umabot ka ng 37 degress (celcius) parang nilalagnat ka di ba? Yung ganun na temperature “ani PAGASA-IAAS Asst. Weather Service Chief, Thelma Cinco
Ayon sa pagasa, umiwas muna na direktang mabilad sa araw ng matagal at uminom ng maraming tubig upang makaiwas sa heat stroke.
Base sa historical record ng Pagasa, tumataas ng nasa 0.1’c ang temperatura kada dekada mula 1951.
Kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng temperatura ay maaaring lalo pang lumakas ang mga bagyo at ulang mararanasan sa bansa.
“Ang temperature pag nagbago diyan pwedeng magkaroong tayo ng mga extremes like haiyan. Yung mga ganun na extremes that could bring disasters”. ani PAGASA-IAAS Asst. Weather Service Chief, Thelma Cinco
Samantala maaari ring maapektuhan ang pagkain dahil apektado ng klima ang agrikultura.
(Rey Pelayo | Untv News)
Tags: PAGASA-DOST