Taxi online booking app, inaasahang mailulunsad na sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | September 15, 2017 (Friday) | 2645

Sa layuning makasabay sa mga Transport Network Vehicle Service, gagawin na ring online ang pagbobook ng mga taxi. Target ng Philippine National Taxi Operators Association na magamit na ang online booking application na MICAB para sa mga taxi sa susunod na buwan. Naipresenta na ng grupo sa LTFRB ang kanilang proposal subalit pinababalik pa sila uli ng ahensya.

Ayon sa LTFRB spokesperson Aileen Lizada nais nilang makita ang features ng sistema gaya ng pagbibigay ng discounts, paglalabas ng plane number, larawan gn driver, pamasahe at iba pa.

Samantala nauna nang nailunsad sa Ninoy Aquino International Airport ang online booking para sa Airport Shuttle Service. Maaring i-download sa google play store ang application ng Airpport Shuttle Service Incorporated o ASSI.

Bukod sa makikita ang impormasyon ng sasakyang susundo sa iyo agad ding makikita ang halaga ng babayaran depende sa layo ng pupuntahan.

 

(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,