Nahimasmasan na ang isang lalaki matapos mabigyang ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team sa bahagi ng EDSA North Avenue nang mahilo ito dahil sa pagkakauntog sa manibela ng kanyang taxi nang mabangga sa mga concrete barrier.
Pasado alas kuatro kaninang madaling araw ng datnan ng grupo ang biktima na si Romuald Roelda, 45 anyos na nakaupo sa loob ng kanyang taxi na iniinda ang tinamong pinsala.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Traffic Sector -1 habang binabagtas nito ang southbound ng EDSA nang makaramdam ng antok kaya’t hindi napansin ang mga concrete barriers sa u-turn slot area, kayat nabangga ang mga ito.
Sa lakas pa ng impact, sira-sira ang harapang bahagi ng taxi at naflat ang gulong nito.
Nagdulot ng bahagyang pagsisikip ng trapiko at makalipas ng isang oras ay dinala na ang taxi sa Quezon City Traffic Sector- 1.
Matapos mabigyan ng pangunang lunas ay tumanggi na itong magpadala sa hospital at magpapahinga na lamang sa kanilang tahanan sa Camarin Caloocan.
(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)
Tags: mabangga sa concrete barrier, Quezon City, Taxi driver na nasaktan matapos mabangga, UNTV News and Rescue Team
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com