Mariing itinanggi ng taxi driver na si Ricky Milgarosa ang bintang na sangkot siya sa tanim bala o laglag bala sa NAIA.
October 30, nang i-upload sa isang social media site ng nagngangalang Julies Niel Habana ang mga larawang ng isang vigil taxi na may plakang UVK 190, na umano’y sangkot ang driver sa tanim bala scam.
Pinabulaanan ng taxi driver ang mga akusasyon at iginiit na hindi niya hinawakan ang mga bahage ng kanyang pasahero.
Sa isinagawang pagdinig ngayon myerkules ng umaga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, inilahad ni Milagrosa ang buong panyayari noong October 29, kung saan isang pasahero ang pumara sa kanya upang magpahatid sa airport.
Sa salaysay ng driver bandang alas-nueve ng gabi noon ng parahin siya ng nasabing pasahero.
Ayon kay Milgarosa, sa tabi ng inuupuan ng pasahero isinakay ang mga bagahe nito sa halip na sa compartment ng taxi.
Matapos ang ilang minutong biyahe, nakiusap umano ang kanyang pasahero na dumaan sa Remedios, Maynila dahil makikisabay ang isa niyang kaibigan.
Pagdating sa nasabing lugar, dito na sumalubong ang tatlo pang kalalakihan na kasamahan ng kanyang pasahero.
Nagkaroon ng pagtatalo ang driver at ang kanyang pasahero ng magdesisyon ito na hindi na magpapahatid sa airport at sa halip ay sasabay na lamang ito sa kanyang mga kaibigan.
Tinangka pa niyang magsumbong sa pulisya ngunit minabuti na lamang niyang ituloy ang pamamasada kaysa maabala pa.
Hindi naman nakadalo sa pagdinig ng LTFRB si Habana.
Samantla isa pang panibagong reklamo ng tanim bala ang natanggap ng LFTRB laban sa naturang taxi unit mula naman sa nagngangalang William Javelanosa.
May babala naman ang LTFRB sakaling mapatunayan na walang katotohanan ang mga ibinibintang laban kay Milagrosa.
“Itutuloy namin ito at paparusahan kung kinakailangan at sasampahan ng kaso kung kami ang dapat na mag-complaint laban sa kanya ay gagawin namin kung hindi totoo ang mga inilahad sa kanyang facebook post dahil seryoso po ito at di dapat na pinalalaki at ginagawang biro.” Pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez
Itinakda ng LTFRB ang susunod na pagdinig sa Nov.10 alas-nueve ng umaga kung saan inaasang dadalo si Habana at iba pang complainant. ( Joan Nano / UNTV News )