Kinikilala ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC ang malaking potensyal ng tourism industry sa pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa.
Kaya naman, naglaan ng isang araw sa Senior officials meeting upang pagusapan ang mga mahahalagang polisiya na makatutulong sa industriyang ito.
Dinaluhan ang pulong ng Senior officals ng APEC, mga delegado, World travel and Tourism council officials and members, mga kinatawan mula sa iba’t ibang International organizations, pribadong sektor at local government units.
Ginanap ang pulong sa isa sa mga pangunahing tourist spot sa bansa, ang Boracay island.
Bilang panimula ng pulong, ipinagmalaki ni Governor Joeben Miraflores ng Aklan ang magandang takbo ng turismo sa Boracay.
Aniya, noong nakaraang taon lamang, naabot nila ang kanilang target na 1.5 million tourist arrivals .
Nakapagtala rin sila ng 1.09 Billion pesos na local revenue mula sa turismo. ( Joyce Balancio / UNTV News).
Tags: Asia Pacific Economic Cooperation, Governor Joeben Miraflores