Dinismiss ng Department of Justice ang reklamong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue laban sa Philrem at dalawang opisyal nito na sina Salud Bautista at Michael Bautista.
Ayon sa DOJ, minadali ng BIR ang pagsasampa ng reklamo at hindi nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang Philrem.
Sinampahan ng tax evasion ang Philrem dalawang araw matapos nilang matanggap ang letter of authority mula sa BIR, kaya ayon sa DOJ, hindi masisisi ang Philrem kung hindi nito nasunod ang utos na iprisenta ang kanilang mga libro upang masuri.
Batay sa imbestigasyon ng BIR, umaabot sa mahigit 35.6 million pesos na buwis ang hindi binayaran ng Philrem mula 2005 hanggang 2014 kaya sinampahan ito ng paglabag sa Section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code.
Nalagay sa kontrobersiya ang Philrem matapos itong masangkot sa isyu ng laundering ng 81-million dollars na ninakaw sa Bangladesh Central Bank.
(Roderic Mendoza/UNTV Radio)
Tags: Philrem, tax evasion