Tauhan ng isang kandidato sa pagka-alkalde ng Aroroy, Masbate, patay sa pamamaril

by Radyo La Verdad | October 19, 2015 (Monday) | 1732

GERRY_SHOOTING
Patuloy na iniimbestigahan ng Masbate police ang pamamaril sa isang tauhan ng kumakandidato sa pagka-alkalde ng bayan ng Aroroy.

Biyernes ng gabi nang masawi ang biktimang si Noli Rosal, 50-anyos, matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala ng kalibre kwarenta’y singko na baril.

Ayon sa asawa ng biktima, nagbabantay lang ng tindahan malapit sa kanilang bahay si rosal nang lapitan at paputukan ito ng mga suspek.

Ayon sa Masbate police, kabilang sa iniimbestigahan nilang anggulo ay kung may kaugnayan sa nalalapit na halalan ang insidente lalo’t nagtatrabaho ang biktima bilang executive assistant ni Aroroy Mayoral Candidate Francisco Maristela.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng random checkpoint ang Masbate police at pinaigting ang police visibility sa bayan ng Aroroy at Baleno.(Gerry Galicia/UNTV Correspondent)

Tags: ,