Bukod sa paggawa ng sari-saring serbisyo publiko ay may ilan pang passion si Kuya Daniel Razon tulad ng photography, filmmaking, music at sports.
Bukod pa rito, hindi alam ng marami na si Kuya Daniel ay mahusay ding swimmer at diver. Sa katunayan, si Kuya Daniel ang founder ng professional Scuba Diving International (PSI).
Sa pamamagitan ng training ng PSI na siya mismo ang nag-conduct sa tulong ng course director na si Jess Lapid Jr. ay ibinabahagi ni Kuya Daniel ang kanyang kaalaman sa scuba diving.
At noong Biyernes ay matagumpay na nakapasa sa diving course ang tatlumpung trainees na dumaan sa pamamagitan ng isang exciting underwater obstacle sa Smallville Diving Center and Resort sa Bulacan.
Sinubok ang kakayahan ng bawat isa sa ilalim ng 16-feet deep na dive pool ng Smallville kung saan nila makukuha ang kanilang diving certification o C-card.
Masayang-masaya naman ang lahat ng nakapasa bilang open at advanced open water divers, rescue divers at dive masters.
Ayon sa kanila ay malaki ang maitutulong ng kanilang kaalaman sa diving.
Ayon naman kay Dive Instructor Kuya Daniel, iba’t-iba man ang motivations ng bawat isa sa pagda-dive ay may makukuhang karunungan mula rito na magagamit sa anomang larangan.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )