Tatlong sasakyan nagkabanggan sa Pasay City, apat nasaktan

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 2232

BENEDICT_ACCIDENT2
Nagkalat sa kalsada ang mga kargang gulay ng kuliglig na ito matapos na mabangga ng isang taxi sa Southbound lane ng Roxas Boulevard Pasay City pasado alas dose kaninang madaling araw.

Wala namang tao sa kuliglig ng mabangga ng taxi, subalit sugatan ang dalawang pasahero ng taxi na isinugod ng isang concern citiizen sa San Juan De Dios Hospital.

Nilapatan naman ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang taxi driver na si Manuel Guererro 48 anyos na nakaramdam ng pananakit ng tuhod matapos ang aksidente.

Pagkatapos nito ay tumanggi nang magpadala sa ospital ang biktima.

Ayon sa kargador na sakay ng kuliglig, nasiraan sila kaya pumarada sila sa gilid ng kalsada nang mabangga ng taxi, aminado naman nila na alam nilang bawal ng kuliglig sa Roxas Boulevard.

Nadamay din ang isang suv nang iwasan ang bumangga taxi kaya sumampa sa gutter at bumangga sa poste at pader, kaya isinugod din sa ospital ang driver nito na sugatan din.

Ayon sa taxi driver, di niya napansin ang kuliglig kaya niya ito nabangga

Iniimbestigahan na ng Manila Traffic Bureau kung sino ang may pananagutan sa nangyaring aksidente.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,