Tatlong sasakyan nagbanggaan sa Quezon city

by Radyo La Verdad | December 14, 2015 (Monday) | 2551

REYNANTE_BANGGAAN
Isang van, pick up, at kotse ang nagkabanggan sa bahagi ng Quirino Avenue corner Mindanao Avenue sa Quezon City pasado alas dose kaninang madaling araw.

Sa tindi ng pagkabangga, wasak na wasak ang harapan ng kotse na minamaneho ni Bino Guarin, 30 anyos.

Ayon sa driver ng van na tumanggi ng humarap sa camera, mabilis umano ang takbo ng kotse, nabangga nito ang concrete barrier at napunta sa kanilang lane kaya nahagip ang kanilang sasakyan.

Ngunit bago ito unang nabangga umano ng kotse ang pickup ni Nelson Herrera sa bahagi ng Mindanao Avenue, ngunit hindi umano ito huminto.

Hinabol ni Nelson ang kotse at ito dito niya nakita na sa halip na lumiko ito sa Quirino highway ay inararo ang mga concrete barriers pati ang signpost.

Nagdulot ng bahagyang pagsisikip ng trapiko ang aksidente matapos okupahin nito ang dalawang lane ng highway.

Pagkalipas ng dalawang oras ay saka lang naialis ang mga sasakyan.

Ayon sa driver ng kotse na tumanggi na ring humarap sa kamera nakatulog umano siya at aminado na kasalanan ang nangyaring aksidente dahil nasa ilalim rin ng impluwensya ng alak.

Bugbog sa katawan at galos lamang ang tinamo ng mga driver ng kotse at van na tumanggi na rin magpafirst aid at magpadala sa hospital.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: ,