Batay sa salaysay ng bente uno anyos na si Alyas “Zandy”, naglalakad siya sa kahabaan ng Avenue noong gabi ng November 2 nang tabihan siya ng isang patrol car ng Quezon City Police na may body number 235.
Pero sa halip na makaramdam na ligtas siya dahil may mga alagad ng batas sa lugar, pambabatos pa aniya ang naranasan niya mula sa kanila.
Dahil sa insidente, inireklamo ni Zandy sa pulisya ang nangyaring cat-calling o pambabastos sa kaniya. Tanging si PO1 Domingo Cena ang nakilala ni Zandy dahil ito ang nakaupo sa passenger seat at nagbaba ng bintana ng sasakyan.
Subalit sa imbestigasyon, natukoy na sina PO2 Rick Tanguilan at SPO1 Ariel Camiling ang mga kasama ni Cena ng mangyari ang insidente.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa anti-catcalling ordinance ng Quezon City sina Tanguilan at Cena ng QCPD Station 8.
Habang sasampahan din ng kasong administratibo ang dalawang pulis at si SPO1 Camiling dahil tinangka nitong pagtakpan ang nagawa ng kaniyang mga kasama.
Hinahangaan naman ng hepe ng Quezon City Police ang katapangan ng biktima dahil sa ginawang pagsusumbong sa insidente.
( Abi Sta. Ines / UNTV Correspondent )