Tatlong Memorandum of Cooperation, nakatakdaang lagdaan sa extended bilateral talks ng Pilipinas at Thailand

by Radyo La Verdad | March 21, 2017 (Tuesday) | 2196


Isang welcome ceremony ang isinagawa ng Thai Cabinet at Diplomatic Corp para kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa delegasyon nito sa dalawang araw na official visit sa Thailand.

Pasado ala-singko ng hapon, oras dito sa Pilipinas, idinaos ang seremonya bago ang dinner na pangungunahan ni Thailand Prime Minister Prayut Chan-O-Cha.

May extended bilateral meeting din ang Philippine at Thailand government kung saan inaasahang mapirmahan ang tatlong Memorandum of Cooperation para sa sektor ng science and technology, agriculture at tourism.

Bukas naman ay makikipag-pulong si Pangulong Duterte sa business sector at ilang Thai senators para ilatag ang economic programs ng Pilipinas at upang mapatatag pa ang trade and investment relationship ng dalawang bansa.

Tags: , , ,