Tatlong lalaki, arestado matapos makunan ng mga baril at iligal na droga sa Malabon City

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 2317

REYNANTE_HULI
Nahaharap ngayon sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act, Illegal Possession of Firearms at paglabag sa Omnibus Election Code ang tatlong lalaki matapos mahulihan ito ng mga baril at iligal na droga sa Malabon City dakong alas onse kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Noel Canlas, 58 anyos, Nandro Canlas 44-anyos at Ryan Rosagaran 29 anyos na nahuli ng mga tauhan ng Malabon Police sa P. Aquino Avenue, Barangay Tunsuya sa Malabon.

Nakatanggap ng tawag ang Police Community Precint -Malabon mula sa isang concerned citizen na nagsusumbong na may mga lalaki na umaaligid sa nasabing barangay na may mga dalang baril.

Nang puntahan nila ang lugar,nagtangka pang tumakas ang mga suspek ngunit napaligiran agad sila ng mga pulis.

Nakuha sa mga suspek ang pitong pirasong transparent sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang 22 revolver, 38 revolver, at caliber 45 na baril, mga bala at isang digital weighing scale.

Todo tanggi naman ang mga suspek sa mga akusasyon sa kanila.

Sa ngayon ay naka kulong na ang mga suspek sa headquarters ng malabon police habang isinasagawa ang imbestigasyon para sa follow up operation.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , , ,