Balik na sa battlefield ang mga sundalo kasunod ng pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa idineklarang ceasefire at pakikipag-usap sa Communist Party Of The Philippines.
Ayon kay Colonel Edgard Arevalo, ang Public Affairs Office Chief ng AFP, patuloy silang nagsasagawa ng operasyon laban sa New People’s Army kasabay ng rescue operation sa tatlo nilang tauhan na dinukot umano ng mga rebelde.
Sa kasalukuyan ay nasa 3,700 ang pwersa ng New People’s Army na nakatutok sa Northeastern Mindanao
Tiniyak naman ng AFP na hindi maaapektuhan ang kanilang operasyon kontra sa iba pang teroristang grupo sa Mindanao.
Handa rin ang AFP na sumunod sa direktiba ng pangulo na arestuhin ang NDF peace consultants na binigyan ng pansamantalang kalayaan para dumalo sa usapang pangkapayapaan, depende sa nakasaad na proseso sa Joint Agreement On Safety And Immunity Guidance o JASIG.
Kaninang umaga, isang peace consultant ng NDF ang nahuli sa Sirawan, Toril, Davao City kasama ang isa pang CPP member na may standing warrant of arrest sa kasong murder.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: hindi pa rin matunton; combat operations laban sa NPA, nagpapatuloy, Tatlong dinukot na sundalo