Sinimulan na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC ang pagtatayo ng water reservation tank malapit sa water source ng Brgy.Poblacion, Sto.Domingo sa Albay.
Ayon kay MDRRMC Officer Engr. Edgar Balidoy, isa ito sa naisip nilang solusyon upang tugunan ang nararanasang water shortage sa lugar.
Paliwanag ni Engr.Balidoy ang pagkakaroon ng water shortage sa kanilang bayan ay dala ng abnormalidad na ipinakikita ng bulkan.
Ito rin ang isa sa mga parameters na nakita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS kung bakit nila itinaas sa alert level 1 ang status ng bulkan.
Ang reservation tank ay magsisilbing imbakan ng tubig buhat sa water source na pwedeng gamitin sa oras ng sakuna at pangangailangan na sapat para magsupply sa Brgy. Poblacion.
Pero dagdag pa ni Balidoy hindi umano sapat ang anim milyong pisong halaga na pondo upang makapagpatayo pa ng mga karagdagang water reservation tank para sa buong bayan ng Sto.Domingo.
Sa loob ng 2 hanggang 3 buwan inaasahan matatapos ang konstruksyon.
Samantala namigay ng water pumps at 6,000 pirasong 6 liters botteled distilled waters ang LGU sto. Domingo at Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng apektado ng water shortage.
Ang Bureau of Fire Protection gamit ang kanilang fire truck namigay sa mga residente ng tubig na maaaring magamit sa paglalaba at paliligo.
Maliban sa bayan ng Sto.Domingo nakararanas na rin ang bayan ng Bacacay at malilipot ng water shortage.
(UNTV Bicol News Team)
Tags: nakaranas ng water shortage, sinimulan ng itayo, Tatlong bayan sa Albay, water reservation tank