Tatlong araw na Local Absentee Voting, simula na ngayong araw

by Radyo La Verdad | April 26, 2022 (Tuesday) | 2644

METRO MANILA – Mahigit sa 30,000 pulis ang boboto sa 3 araw na local absentee voting sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardoo, 3,248 dito ay mula sa national headquarters sa kampo crame habang 26,813 ang mula sa mga police regional offices.

Pagkatapos aniya ng local absentee voting ng PNP ay ide-deploy na nila ang mga ito sa mga lugar kung saan sila magbabantay para sa seguridad ng halalan sa Mayo.

Kinumpirma din ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na nasa 40,000 pulis ang kanilang ipapakalat para sa seguridad ng eleksyon.

Kaugnay nito tiniyak naman ang pamunuan ng PNP na all system go na ang kanilang seguridad para sa halalan.

Sa ngayon aniya ay monitoring na lamang sa mga nangyayari sa ground ang kanilang ginagawa para mapanatili ang payapang eleksyon sa Mayo.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: