Tatlo sa apat na tauhan ni Kerwin Espinosa, sumuko na sa PNP Leyte

by Radyo La Verdad | September 8, 2016 (Thursday) | 1220

JENELYN_SUMUKO
Tatlo sa apat na tauhan ng drug suspect na si Kerwin Espinosa ang isa-isa nang sumuko sa mga pulis sa Albuera Police Station.

Kabilang sa mga sumuko sa otoridad ay sina Tony Pete Saldivar, Ferdinand Rundina na no. 2 di umano sa drug distribution sa Ormoc City at si Galo Sthepen Bobares na sya umano’y namamahala naman sa drug trade sa Albuera, Leyte.

Ayon kay Albuera Police Chief Inspector Jovie Espenido si Max Miro nalamang ang hinihintay nilang sumuko sa mga otoridad.

Ayon sa mga suspek nais nilang malinis ang kanilang pangalan kaya sila nagdesisyon na sumuko sa mga otoridad at nangakong makikipagtulungan upang agad na madakip si Kerwin.

Una rito ay sumuko narin sa mga otoridad ang umano’y hitman ni Mayor Espinosa na si Ruel Manidlangan.

Sa ngayon ay naghihintay na lamang ang Albuera Police na mag issue ng arrest warrant laban kay Kerwin dahil nirereview pa ng korte ang lahat ng affidavit at dokumento na ipinasa nila laban sa batang Espinosa.

Samantala naglagay na ng cctv sa paligid ng naghigpit narin ng Albuera Police Station bilang bahagi ng pinaigting na seguridad.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: ,