Task reassignment para sa mga ‘di bakunadong pulis ipatutupad – PNP

by Radyo La Verdad | December 9, 2021 (Thursday) | 9695

METRO MANILA – Ilalagay ang mga ‘di bakunadong pulis sa ‘low risk tasks’ upang maiiwas sa pagkahawa at makapanatili pa rin sa paglilingkod, ayon sa pahayag ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos noong Lunes.

Ayon kay Carlos, kalugihan ang i-excuse sa trabaho ang mga ‘di bakunadong pulis dahil pinili nila ang hindi magpabakuna. Aniya, maraming trabaho ang maaaring gampanan ng mga ‘di tumanggap ng bakuna na hindi sila ma-expose sa COVID-19.

Dagdag pa niya, hindi maaapektuhan ang promotion ng isang police officer dahil sa hindi ito nagpabakuna at patuloy nilang hihikayatin sila na magpabakuna sa pamamagitan ng pagpapaunawa sa kanila ng benipisyong naidudulot ng COVID-19 vaccines.

Ayon naman kay PNP Health Service Director, Brig. Gen. Luisito Magnaye, sa 1,808 personnel na di bakunado, 299 ay dahil sa medical reasons, 194 naman dahil sa allergy, 393 ang buntis, 63 ang nagpapasuso, 69 ay dahil sa paniniwala ng kanilang relihiyon, at ang iba ay ‘di pa nagbibigay ng dahilan.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: