METRO MANILA – Kinukwestyon ng mga kritiko ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuo ng panibagong task force upang tutukan ang rehabilitation efforts sa mga lugar na apektado ng mga nagdaang kalamidad.
Subalit ipinagtanggol ito ng Malacañang at sinabing hindi ito conflict sa trabaho ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Tatawaging Build Back Better Task Force ang grupo na pangungunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea katuwang ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte.
“Let’s give it a chance, wala pa naman no, let’s see what kind of a difference this EO will make delivery of quick responses and rehabilitation efforts in calamity-stricken areas. “ ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Sa kasakuluyan, binubuo na ng palasyo ang Executive Order at kabilang sa mahalagang punto sa kautusan ang pagbuo ng permanent body na ang focus ay ang post disaster rehabilitation at recovery sa typhoon-hit areas habang wala pa ang panukalang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience.
Samantala, naniniwala naman ang palasyo na hindi na kailangang humingi ng tulong ng Pilipinas sa ibang bansa kaugnay ng relief at rescue operations sa mga apektado ng kalamidad.
Ginawa ng Malacañang ang pahayag matapos sabihin ni Senator Nancy Binay na dapat nang humingi ng tulong ng Pilipinas dahil hindi na kaya ng Local Government Units ang relief at rescue operations sa kasagsagan ng matinding pagbaha sa probinsya ng Cagayan.
“Di na po kinakailangan dahil ang un mismo nangako na na tutulungan tayo.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Dagdag pa ng palace official, sa tindi ng tubig baha na nanalasa sa cagayan, kahit high technology equipment ay hindi kayang solusyunan ang sitwasyon doon ngayon.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: malacanang