Task force na tututok sa mga kaso ng pagpatay sa mga huwes, pinabubuo ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | November 24, 2015 (Tuesday) | 1502

ATTY-TEODORE-TE
Sa loob lamang ng halos tatlong buwan, tatlong huwes na napapatay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pinakahuli rito ang pagpaslang kay Judge Reynaldo Espinar ng Laoang, Northern Samar Municipal Trial Court na binaril sa ulo sa loob ng isang sabungan nito lamang nakaraang linggo.

Pinatay si Espinar halos dalawang linggo lamang ang nakalipas mula nang tambangan naman si Malolos Bulacan RTC Judge Wilfredo Nietes, na humatol sa mga lider ng notorious na Dominugez Carnnaping Group.

Noong September 1, napatay din sa pananambang si Baler Aurora RTC Judge Jude Erwin Alaba.

Dahil dito, pinabubuo na ng Korte Suprema ang isang task force upang tutukan at resolbahin ang mga kaso ng pamamaslang sa mga huwes.

“The court designated the SC Committee on Security, headed by Associate Justice Marvic Leonen to start discussions with the appropriate government agencies towards the creation of a task force/task group to address the continuing assassinations and killings of judges while in the performance of their duties.” Pahayag ni Supreme Court Associate Justice Atty. Therodore Te

Mariin namang kinondena ng Korte Suprema ang pamamaslang sa mga huwes.

Ayon sa korte, isa itong paghamak sa rule of law.

Hindi lamang anila ito nagsisilbing banta sa ibang mga huwes kundi naisasapanganib din nito ang pagkakaroon ng patas na desisyon sa mga kaso. (Roderic Mendoza/UNTV News)

Tags: , , ,