Task force na mag-iimbestiga sa pagsabog ng water tank sa Bulacan, binuo ng lokal na pamahalaan ng SJDM

by Radyo La Verdad | October 9, 2017 (Monday) | 6431

Nakauwi na  sa kani-kanilang bahay ang mahigit apat na pung sugatan na biktima ng pagsabog ng tangke ng tubig ng San Jose del Monte Water District sa barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan alas tres y medya ng madaling araw noong Biyernes.

Humihingi naman ang mga ito ng tulong dahil sa mga tinamong pinsala at sa pagkasira ng kanilang mga bahay.

Bumuo naman ng task force ang lokal na pamahalaan ng SJDM,  Bulacan upang imbestigahan kung ano ang naging sanhi ng insidente na naging sanhi ng pagkasawi ng apat na residente.

Tiniyak din ng mga ito na inaasikaso na ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga apektadong residente.

Samantala, nakaburol na ngayon ang labi ng apat na biktima na nasawi sa trahedya, ito ay sina Jimmy Garcia, Elaine Chamzon, Jaina Espina at Nina Luise Ape na kapwa isang taong gulang.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,