Task force kontra bigay, binuo upang imbestigahan ang mga insidente ng vote buying

by Erika Endraca | May 9, 2019 (Thursday) | 12854

Manila, Philippines – Bumo na ang task force kontra bigay ng Comission on Election (COMELEC) kasama ang iba’t iba pang ahensya ng pamahalaan upang imbestigahan ang mga insidente ng vote buying ngayong 2019 midterm elections.

Kasama sa task force ang Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG), National Bureau of Investigation (NBI) at ang Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Layon din nitong matulungan ang publiko sa tamang paraan ng paghahain ng reklamo laban sa kandidatong bumili ng boto at sa mga botanteng nagbenta ng kanilang boto.

May complaint form na rin na inilabas ang comelec upang mas maidokumento ang reklamo laban sa kandidatong bumili ng boto at mga kasabwat nito.

“Hindi po madali ang prosekusyon nito, that’s why we crated this task force so that we can provide our public with the necessary information kung gusto nila magsampa ng kaso” ani DILG Usec Jonatahn Malaya.

Ayon sa DILG, lumalawak na ang sakop ng vote buying sa bansa lalo na’t ito na lamang aniya ang tanging nakikitang ibang paraan ng mga kandidato upang makapanlamang sa halalan.

“Iyong vote counting machines ng comelec have been proven to be tamper- proof. Wala ng iba so the politicians have resorted to vote buying as the only way to rid the system.” ani DILG Usec Jonatahn Malaya.

Nilinaw naman ng PNP sa publiko na hindi nila maaring arestuhin agad ang isang sangkot sa kaso ng vote buying.

Nguni’t mas mapapabilis ang pag-usad ng kung maisasampa ito nang maayos sa mga ahensyang bumubuo sa task force kontra bigay.

“They can be invited for clarifications and questioning at the headquarters.” ani PNP Deputy Director for Operations Police Brigadier General Rey Lyndon Lawas.

Tututukan din ng task force ang tinatawag na negative vote buying kung saan binabayaran ng isang kandidato o partido ang botante upang pigilan itong bumoto sa kanilang kalaban.

“Sa definition ng vote buying included iyong negative campaign. Babayaran mo iyong isang botante para hindi na bumoto.” ani Comelec Chairman Sheriff Abas.

Samantala, pursigido naman ang task force kontra bigay na kasuhan ang mga kandidatong bumili ng boto kahit pagkatapos pa ng halalan at titiyaking mananagot ang mga lalabag sa batas.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: , , ,