Taripa sa Imported na Bigas, dodoblehin ng Department of Agriculture

by Erika Endraca | September 23, 2019 (Monday) | 20497

MANILA, Philippines – Dodoblehin ng Department of Agriculture (DA) ang taripa sa mga imported na bigas simula sa katapusan ng buwan.

Ito ang solusyong nakikita ng kagawaran dahil sa pagbaha ng imported na bigas merkado para proteksyunan ang lokal na magsasaka.

Sa ngayon ay 35% ang ipinapataw na taripa sa mga bigas na galing sa ASEAN countries at 50% naman sa mga Non-Asean Country.

Base sa datos ng DA, 7-10% lamang ang kakulangan sa supply ng bigas sa bansa subalit umabot na sa 2.4 million metric tons ang naangkat.

Pinagbatayan ng DA ang anti-dumping act of 1999 kung saan maaaring magpataw ng dagdag na buwis sa mga inangkat na produktong mas mababa sa ang fair market value.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,