Targeted subsidy para sa agricultural sector, planong ibigay ng PH gov’t – NEDA Exec.

by Radyo La Verdad | February 12, 2024 (Monday) | 10321

METRO MANILA – Inihayag ng isang opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang plano ng pamahalaan na magbigay ng targeted subsidy para sa agricultural sector ng bansa.

Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, ang nasabing subsidiya ay maaaring targeted subsidy sa mga farmer partikular na sa kanilang production, para sa kanilang ginagamit na fuel, fertilizer at mechanization.

Bukod sa mga magsasaka, sinabi rin ng opisyal na iniisip din ng pamahalaan na magbigay ng tulong sa mga mamimili na nasa lower income classes sa pamamagitan ng food stamps mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tags: ,