Patuloy ang isinasagawang pagbabakuna ang city veterinary office sa mga alagang aso sa syudad ng Masbate.
Sa tala ng Veterinary office umabot na sa 80 percent o katumbas ng apat na libo limandaang mga alagang aso ang nabakunahan na ng anti rabies sa syudad.
Natapos na din libutin ng ahensya ang tatlumpung baranggay mula sa upland hanggang sa coastal area ng syudad.
Target ng Veterinary office at Pamahalaang lungsod ng Masbate na maging isang rabies free angbuong syudad ng Masbate sa taong 2016.
Panawagan ng ahensya na dalhin sa kanilang opisina ang mga alagang asong hindi pa nababakunahan ng anti rabies vaccine.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Rolando Franzuela mula taong 2012 wala ng naitalang kaso ng rabies o kagat ng aso sa syudad ng Masbate.
Patuloy din ang pagpapadala ng mga datos ng ahensya sa World Health Organization na siyang magdedeklara na isa ng rabies free ang isang lugar.
Magsasagawa naman ng dog show ang veterinary office bilang bahagi din ng kampanya anti rabies ngayong pagdiriwang ng anibersaryo ng syudad.
Isa din paraan ang dog show upang mabakunahan ang mga natitira pang alagang aso at maiparehistro.
May libre ding gamot na ipamimigay at pagpurga na ipagkakaloob ang city veterinary office sa naturang aktibidad.(Gerry Galicia/UNTV Correspondent)
Tags: MASBATE, RABIES FREE