Target na bakuna sa 50% na populasyon ng bansa, malapit na – Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | November 4, 2021 (Thursday) | 3655

METRO MANILA – Malapit ng makamit ng Pilipinas nag pagbabakuna sa 50% ng populasyon bago matapos ang taon ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon ito sa kaniyang pahayag sa Talk to the People, kasabay ng anunsyong nakamit ng pamahalaang makapagbakuna sa hindi bababa sa 55 milyong doses ng Covid-19 vaccine noong nakaraang Oktubre.

Sa huling tala noong Martes, umabot na sa kabuuang 60,406,424 Covid-19 vaccines naiturok sa mga tao sa buong bansa, 27,749,809 ay fully vaccinated at 32,656,615 ang nakakuha ng first dose ayon sa National Covid-19 Vaccination Dahsboard ng Department of Health.

Ayon sa Pangulong, 35.5%  na ng populasyon ang fully vaccinated at maaabot ang humigit kumulang 50% sa pagtatapos ng taon at kumpiyansa siya na makakamit ang population protection ngayong 2021.

Pitumpung porsyento ng populasyon ang layuning makamit ng Pilipinas ngayong taon at sa paparating pang mga bakuna ay nakikita ng administrasyon na makapagsasagawa ng 1 hanggang 1.5 milyong doses araw araw simula sa susunod na linggo.

Nakatanggap na ng kabuuang 108,912,460 doses ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas na nakuha at idinonate sa bansa.

(Ritz Ranielle | La Verdad Correspondent)

Tags: ,