Target na 50M fully vaccinated individuals, kumpyansang maaabot ng pamahalaan bago matapos ang 2021

by Radyo La Verdad | November 1, 2021 (Monday) | 4753

METRO MANILA – Puspusan na ang mga hakbang ng pamahalaan para mapabilis pa ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa…

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng nasa 1 milyon hanggang 1.5 milyon kada araw.

Noong Biyernes umabot na sa higit 700,000 ang nabakunahan kontra COVID-19 sa loob ng isang araw.

Dahil dito, kumpyansa ang pamahalaan na maaabot nito ang revised target na 50 million fully vaccinated individuals bago matapos ang Disyembre ngayong taon.

“Yes, definitely! As of now we have innoculated 58 million doses na sa ating mga kababayan and I think kalahati nun is already or more than half of that are already fully vaccinated so pataas ng pataas yung rate natin nasa 32 percent na tayo hopefully makukuha na natin yung 50 percent fully vaccinated by the end of December.” ani NTF vs COVID-19 Special Adviser, Dr. Ted Herbosa.

Target ngayon ng pamahalaan na mapataas ang vaccination rate sa iba pang rehiyon sa labas ng National Capital Region.

Ayon kay Doctor Ted Herbosa Special Adviser ng National Task Force againts COVID-19, may bago silang sistemang ipatutupad dahil maselan ang karamihan sa mga dumating ngayon na mga bakuna sa bansa gaya ng Pfizer at Moderna.

“Gagawa tayo ng system na tinatawag na just in time delivery kase matindi ang requirements for cold chain nitong mga current vaccines that we are holding hindi siya gaya ng dati cold chain lang ngayon talagang ultra-load temperature freezer the only solution we are finding is yung tinatawag na on time delivery na pag nabigay yun sa lgu ma-vaccinate na kaagad sa mga tao.” ani NTF vs COVID-19 Special Adviser, Dr. Ted Herbosa.

Patuloy din ang pagdadagdag ng mga vaccinators ng mga LGU sa iba’t ibang probinsya para mapabilis ang rollout ng pagbabakuna.

“Magdadagdag tayo ng vaccinators may mga lgu na hindi makapa-vaccinate araw-araw kase ginagawa din nung vaccination site yung ibang vaccination program natin doon sa expanded program of immunization.” ani NTF vs COVID-19 Special Adviser, Dr. Ted Herbosa.

Dadagdagan natin sila ng volunteers from the nursing studentsm dental students, medical students para makatulong sa pagdami ng mababakunahan ito ginagawa din sa tulong ng CHED.

Samantala, nasa 50 hanggang 60 milyong doses pa ng COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa bansa sa nalalabing dalawang buwan ngayong taon.

Noong Sabado, kabuoang 2.5 million doses ng AstraZeneca vaccine ang dumating sa bansa.

1.5 million dito ay mula sa Covax facility habang 1-million naman ang donasyon ng bansang Japan.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: , ,