Tapyas sa singil sa kuryente, ipatutupad ngayong Abril ng Meralco

by Radyo La Verdad | April 9, 2024 (Tuesday) | 4548

METRO MANILA – Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na bababa ng halos P1 o 0.9879 kada kilowatt-hour ang singil sa kuryente ngayong Abril.

Dahil sa mababang generation at transmission charges ang pangunahing sanhi ng bawas sa kabuuang singil ng kuryente ngayong buwan ayon sa Meralco.

Bunsod ito ng mas mababang singil mula sa independent power producer at mga power supply agreement.

Noong March 2024, tumaas ang singil sa kuryente ng Meralco ng P0.0229 kada kilowatt-hour kaya nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa billing ng mga consumer.

Samantala, bagaman may pagbaba sa singil ng kuryente ngayong Abril, muling hinikayat ng Meralco ang publiko na maging masinop sa paggamit ng kuryente.

Sa gitna ito ng inaasahang pagtindi ng konsumo sa panahon ng tag-init.

Tags: ,