Tapang at Malasakit Alliance, inilunsad bilang suporta kay Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | October 23, 2017 (Monday) | 2403

Isang pro-administration alliance na tinawag na “Tapang at Malasakit” ang inilunsad ngayong araw sa pangunguna ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Full force din ang mga personalidad na kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad nina Foreign Affairs Sec. Allan Peter Cayetano, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at former President and Manila Mayor Joseph Estrada.

Pangunahing layunin nito na pagkaisahin ang mga Pilipino at tigilan na ang paninira sa pulitika.

Ang paglulunsad aniya ng alyansa na ito ay para sa mga isinusulong na reporma at programa ng administrasyon lalo na ngayong tapos na ang gulo sa Marawi City.

Hindi naman naniniwala si Presidential Spokesman Ernesto Abella na binuo ang naturang alyansa upang labanan ang anumang destabilisasyon sa pamahalaan.

Binigyang-diin din ng grupo na hindi sila namumulitika at hindi rin ito preparasyon para sa darating na 2019 midterm elections.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,