Tap water o tubig mula sa gripo sa Metro Manila, ligtas inumin ayon sa DOH

by Radyo La Verdad | December 13, 2017 (Wednesday) | 4348

Ligtas inumin ang tubig mula sa gripo sa Metro Manila, ayon sa Department of Health.

Pasado sa laboratory tests ang amoy, kulay at lasa ng tubig batay sa microbiological at quality standards na itinakda ng Philippine National Standard for Drinking Water o PNSDW. Kapwa sinuri ang samples na nagmula sa Maynilad at Manila Water.

Naglabas naman ng panibagong parameters at guidelines ang Philippine National Standards for Water Drinking ngayong taon upang mas masiguro na ligtas at malinis ang tubig na kanilang iinumin mula sa gripo.

 

( Ramil Ramal / UNTV Correspondent )

Tags: , ,