Ipatutupad na sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo ang bagong ticketing system sa LRT Line 2.
Ang bagong stored value ticket na ito na tatagal ng hanggang apat na taon ay mabibili sa lahat ng istasyon ng LRT sa halagang P20.00 at maaaring lagyan ng load ng hanggang P10,000.
Ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, magandang tangkilikin ang bagong stored value ticket dahil mas makakamura at magbibigay ito ng convenience sa mga regular na sumasakay ng LRT.
Hindi katulad ng kasalukuyang stored value tickets na may fixed price na P150.00, ang bagong “Tap and Go” cards ay maaaring lagyan ng load ng mababang halaga mula P10.00.
Ayon sa LRTA, ang bagong ticketing system ay ipatutupad na rin sa LRT1 sa katapusan ng buwan ng Hunyo at sa Setyembre ay inaasahan na magagamit na rin ito sa MRT 3.