Taniman ng high grade marijuana, nadiskubre ng PNP at PDEA sa Las Piñas; P30-M na halaga ng iligal na droga, nasabat

by Radyo La Verdad | October 8, 2018 (Monday) | 3589

Isang anti-drug operation ang isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP), sa isang bahay sa Las Piñas City noong Sabado ng gabi.

Ito ay matapos na makatanggap ng ulat na ginagamit ito bilang isang laboratory sa paggawa ng iligal na droga. 30 milyong pisong halaga ng kush o isang uri ng high-grade marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad sa lugar.

Arestado sa operasyon nagpapatakbo umano ng taniman ng iligal na droga na si Paul Shon alyas Danny Lim na nagpakilalang isang American citizen.

Ginagawa umano ng suspek na front ng iligal na gawain ang pagtitinda ng mga exotic animals.

Ayon kay PDEA-Central Luzon Chief Atty. Gil Pabilona, ang mga suki umano ni Shon ay ilang prominenteng personalidad.

Ayon sa PDEA, iimbestigahan din nila kung sino-sino ang mga sinasabing bigating kliyente ng suspek.

Sa ngayon ay nahaharap si Shon sa kasong paglabag sa Republic Act 09165 o Ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

( Charlie Barredo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,