Tanim bala scam posibleng gawa ng isang sindikato sa labas ng NAIA – Office for Transportation Security

by Radyo La Verdad | November 3, 2015 (Tuesday) | 1189

NAIA_TANIM_BALA
Bagamat hindi naman itinatanggi ng Office for Transportation Security o OTS na may pananagutan rin ang kanilang mga tauhan sa mga nagaganap na tanim bala, ipinapalagay nito na malaki ang porsiyento na sindikato sa labas ng paliparan ang nasa likod nito.

Ayon kay OTS Administrator Commodore Roland Recomono, kung may makita ang kanilang mga screening machine na prohibited items sa bagahe ng pasahero gaya ng bala o baril ay agad naman nila itong ineedorso sa PNP Aviation Security

Mula rito ay wala ng hurisdiksyon ang kanilang mga screener at ipinapaubaya na sa aviation security ang paghalungkat sa kuwestiyunableng bagahe.

Ayon kay Recomono, kung sila lamang ang masusunod ay kukumpiskahin lamang nila ang bala at pababayaan ng makaalis ang pasahero

Subalit mayroong umiiral na batas sa PNP Aviation Security na kailangang kasuhan ang sinomang mahuhulihan ng ganitong uri ng prohibited items

Sa tala ng ots mula 2014 hanggang 2015, mahigit anim na pung mga tauhan nila ang na dismissed na sa trabaho dahil sa kaso ng extortion at iba pang mga paglabag.

Subalit wala ni isa sa mga ito ang may kinalaman sa tanim bala.

Inamin ng OTS na wala itong kakayahang magsagawa ng malalimang imbestigasyon ukol sa tanim bala kaya sinulatan na nito ang NBI para tumulong sa pag-iimbestiga.

Ayon naman sa Manila International Airport Administration kailangan ng matapos ang imbestigasyon lalo na at marami sa mga nagtatrabaho at pasahero ang na de-demoralized. ( Mon Jocson / UNTV News )

Tags: