Tanim bala scam, pinapaimbestigahan na rin ng DOJ

by Radyo La Verdad | November 4, 2015 (Wednesday) | 1276

NBI
Isang team ng imbestigador mula sa NBI ang inatasan ng DOJ na mag imbestiga sa mga insidente ng tanim bala sa NAIA.

Sa inilabas na kautusan ni Justice Secretary Benjamin Caguioa, inatasan ang NBI Special Team na mangalap ng mga ebidensiya at magsampa ng kaukulang kaso sa mapapatunayang sangkot sa scam.

Bahagi ng imbestigasyon ang pag review sa mga video at dokumento na may kaugnayan sa mga insidente ng tanim bala.

Kasama rin sa iimbestigahan ang mga opisyal ng gobyerno na posibleng sangkot o may nalalaman tungkol sa scam.

Ayon pa sa tagapagsalita ng DOJ, nag umpisa ang mga insidente ng tanim bala nung unang mga buwan pa ng taong kasalukuyan at lumala nitong nakalipas na dalawang buwan.

Iniulat aniya ito sa kanila ng mga otoridad kaya iniutos ng DOJ ang hiwalay na imbestigasyon.

Binigyan naman ng labinlamang araw ang NBI Special Team upang makagpasumite ng kanilang report at rekomendasyon. (Roderic Mendoza / UNTV News)

Tags: ,