Handa ang Philippine National Police na imbestigahan ang modus na tanim bala sa Ninoy Aquino International Airport.
Itoy kung itatalaga ng mga kinauukulan ang PNP upang imbestigahan ito.
Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, may kakayahan ang pnp sa pamamagitan ng Criminal Investigation and Detection Group at intelligence service na matukoy kung sino ang sindikatong nasa likod nito.
Dagdag pa ni Mayor, bukod sa malaki ang epekto nito sa kinabukasan ng nabibiktima ay malaki rin ang multa nito.
Base kasi sa bagong batas na Republic Act 10591 o Comprehensive law on firearms and ammunition, malaki ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga makakasuhan dahil mahuhulihan ng bala sa naia.
Sinabi ni PNP Aviation Security Group Spokesperson P/Supt. Jeanne Panisan, nasa 80 libong piso kada bala ang piyansa kung Filipino ang mahuhuli subalit mas malaki kapag dayuhan na nasa 200 libong piso.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)