Tanim bala modus sa NAIA, pinaiimbestigahan na sa Kamara

by Radyo La Verdad | November 3, 2015 (Tuesday) | 1002

CONGRESSMEN
Tatlong resolusyon na ang inihain sa House of Representatives na humihiling para sa isang komprehensibong imbestigasyon sa tamin bala na nangyayari sa NAIA.

Ayon sa mga kongresistang dating sundalo at pulis, dapat matapos na ang isyung ito sa lalong madaling panahon.

Sinabi pa ng mga ito na oras na may mahulihan ng bala sa mga bagahe, kasamang isailalim sa masusing imbestigayon ang lahat ng security personnel na nakaduty sa araw na iyon.

Dagdag pa ng mga dating uniformed personnel dapat maglagay ng intelligence unit ang mga security personnel at pag-aralan ang kilos ng mga ito.

Nanawagan din ito ng agarang aksyon mula sa pamahalaan tulad ng agarang pagtanggal sa puwesto sa mga opisyal na nagpapabaya sa tungkulin.

Pinag-aaralan na rin ngayon ni Antipolo City Romeo Acop na amyendahan ang ra 10591 na siyang ginagamit ngayon sa mga nahuhulihang may bala sa kanilang bagahe sa NAIA.

Sa ilalim ng RA 10591, pareho lamang ang parusa sa nahulihan ng bala o baril. ( Grace Casin / UNTV News )

Tags: