Nagsisimula nang dumami ang mga pasahero sa mga airport sa Vietnam dahil papalapit na ang Tết holiday o ang kanilang bagong taon, ang Lunar New Year sa susunod na buwan.
Dahil dyan, naglagay na ng mga improvements sa services ang Civil Aviation Authority ng Vietnam, particularly sa Tan Son Nhat Airport dahil inaasahang tataas pa ng 20 % ngayong taon ang bilang ng airport arrivals o kabuuang 4-point-one million arrivals.
Dalawang x-ray machines din ang dinagdag sa dating sampu. Nagdagdag rin ng 560 seats sa waiting area ang paliparan.
Nag-abiso naman ang mga otoridad sa publiko na kung maari ay dumating sa airport three hours bago ang flight para hindi mahuli o maiwan ng eroplano.
Samantala, kagabi ay nagdiwang ang mga Vietnamese dahil pasok na sa finals ng 2018 Asian Football Confederation Under-23 Championship ang Vietnam nang talunin nito kagabi ang Qatar sa semi-final match sa Changzhou Olympic Sports Centre.
Ngayon lang, nakapasok ang isang Southeast Asian Country sa finals kaya tuwang tuwa ang mga Vietnamese. Nag-ingay, pumarada sa kalsada dala ang kanilang flag na nagsisigawan at proud na proud sila na nakapasok sa finals.
Dahil natalo nila ang Qatar, antabay sila kung sino ang mananalo sa pagitan ng South Korea at Uzbekistan ay siya nilang makakalaban sa championship.
Ang football ay parang national game na nila. Katunayan, maliliit pa lang na bata ay football na ang pinag-aaralan nila kaya big deal sa kanila ang foot ball. Kumbaga sa Pilipinas, kahalintulan ito ng basketball sa mga Pilipino.
( Rj Timoteo / UNTV Correspondent )
Tags: Tan Son Nhat Airport, Tết holiday, Vietnam