Iimbitahan ng pamahalaang lokal ng Zamboanga city si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa pamamagitan ng resolusyon na binuo ng City Peace and Order Council.
Ito ay upang personal na masaksihan ang planong training sa mga tauhan ng pulisya hinggil sa tamang proseso sa pagsasampa ng reklamo
Partikular na rito ang mga sangkot sa illegal drugs dahil na rin sa mahigpit na kampanya ng pamahalaan laban sa mga ito
Binigyang diin ng pamahalaang lokal na dapat magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga tauhan ng PNP pagdating sa proseso ng imbestigasyon at dokumentasyon sa bawat kaso o insidente na kanilang rerespondehan.
Maging ang pulisya ay aminado na hindi lahat ng kanilang tauhan ay may sapat na kaalaman pagdating sa mga maseselang bagay.
Katunayan dito, maraming reklamo ang isinampa ng mga tauhan ng PNP ang kalaunay na-dismiss.
Makatutulong ang nasabing hakbang upang maging maayos ang pagsasampa ng mga kaso at matiyak ang hustisya.
Pangunahing katuwang sa isasagawang aktibidad ang city legal o prosecutor’s office at ibang ahensya ng pamahalaan.
Samantala, sa pinakahuling datos ng Police Regional Office 9, umabot na sa 22,802 ang mga drug personality na sumurender sa buong rehiyon.
21,817 dito ay users habang 985 naman ang pushers.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: mga pulis sa Zamboanga city, Tamang proseso sa pagsasampa ng reklamo