Sa isang pagaaral ng World Health Organization napag-alaman tumaas ang kaso ng mga batang may developmental difficulties sa lahat ng bansa sa buong mundo.
Isa sa recomendasyon ng nasabing pagaaral ay ang pagpapalawak ng work force ng mga taong umaalay sa mga batang may special needs.
Inilahad ni dr. Jocelyn eusebio ang ilang sintomas ng mga batang may GDD o Global Developmental Delay.
Payo naman ng DepEd sa mga magulang, ipasok sa tamang learning facility ang kanilang mga anak alinsunod sa Department Order No. 26 series of 1997 ng ahensya o ang institutionalization of SPED programs in all schools.
Isa ang Jose Abad Santos Memorial School sa mga paaraalang may SPED program para sa mga batang may special needs.
Sa kasalukuyan ay mayroong pitong sections sa elementary at limang sections sa high school ang SPED class ang PWU- JASMS.
Ayon kay Ervin Kaw, ang mainstream coordinator ng PWU- JASMS, mahalaga na matukoy ng maaga ang kalagayan ng isang bata.
Ito ay dahilang may mga pagkakaton na bagaman normal sila sa pisikal na anyo , may kakaibang pag- uugali o kilos ang mga ito, kumpara sa isang normal na bata.
Binibigyan nila ng panahon ang mga magulang na mag- desisyon kung ilalagay nila sa isang SPED class ang kanilang anak na nakitaan ng special needs.
Maari ring makasama sa isang regular class ang mga batang may special needs ngunitmay oras o pull out class sila kung saan doon sila tinututukan ng mga guro upang malinang ang kani- kaniyang talento o kahusayan sa isang partikular na aspeto gaya ng arts o music.
(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)
Tags: magulang at mga guro, mga batang may special needs, Tamang paggabay