Talento ng mga kababaihang artist, tampok sa isang art exhibit sa La Union

by Radyo La Verdad | March 28, 2016 (Monday) | 1697

TOTO_EXHIBIT
Nagtipon sa isang art exhibit sa Bauang, La Union ang ilang babaeng artist bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng women’s month ngayong Marso.

Layunin ng kanilang exhibit na maipakita ang talento ng mga kabbabaihan sa sining.

Tinawag na “iba’t ibang eba” ang exhibit na nilahukan ng labindalawang women artist.

Tampok rito ang animnapung piraso ng art works na karamihan ay naglalarawan sa katangian at kahalagahan ng babae sa lipunan.

Ayon sa grupong Artist Guild of La Union o AGLAUN ang proceeds ng pagbibilhan sa mga painting ay itutulong sa ilang mahihirap na residente sa Bauang, La Union.

(Toto Fabros / UNTV Correspondent)

Tags: , ,