Talamak na bentahan ng prangkisa, isa sa mga ugat ng korapsyon sa LTFRB

by Radyo La Verdad | October 11, 2016 (Tuesday) | 1055

mon_delgra
Nasa apat na pung (40) empleyado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang tinanggal sa serbisyo at kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon sa nakalipas na isang daang araw.

Ito ay bunsod ng pagkakasangkot ng mga ito sa bentahan ng prangkisa partikular na ng mga taxi sa halagang 30 thousand hanggang 300 thousand pesos.

Bunsod nito, ipinatigil na ng LTFRB ang sale and transfer ng taxi franchise at bubuksan muli ang pagbibigay ng bagong prangkisa bago matapos ang taong 2016.

Tiniyak naman ni Chairman Delgra sasampahan ng kaukulang kaso ang mga tauhang mapapatunayang sangkot sa korapsyon sa LTFRB upang hindi na tularan at tuluyan nang wakasan ang katiwalian sa ahensya.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,