Taiwan inihahanda na ang mga aksyong gagawin kung hindi babawiin ng Pilipinas ang travel ban

by Erika Endraca | February 14, 2020 (Friday) | 1399

Anomang oras ay posibleng nang ibaba ng Taiwan ang aksyon na kanilang gagawin laban sa Pilipinas kung hindi babawiin ng pamahalaan ang travel ban sa Taiwan.

Hindi pa idinetalye ng Taiwan foreign ministry ang mga hakbang na kanilang gagawin pero handa na umano sila para ipatupad ito.

“Our government has already made comprehensive preparations, we have a complete plan and made all-compassing considerations.” ani Taiwan Foreign Ministry Spokeswoman, Joanne Ou.

Una nang sinabi ni Manila Economic And Cultural Office in Taiwan chairman Angelito Banayo na posibleng makaapekto sa mga Pilipino ang magiging aksyon ng Taiwan.

Kabilang na ang pagkansela sa visa-free privilege sa mga Pilipino sa Taiwan. Sa ngayon mayroon ng mahigit  100,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Taiwan.

Samantala hindi naman ikinabahala ng palasyo ang banta ng Taiwan dahil ang kapakanan ng mga mamamayang Pilipino ang isina-alang-alang ng Punong Ehekutibo sa pagpapatupad ng travel ban dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019.

“Each country has the right to react on any act perceived or taken by them as against its own interest. What can we do about it, eh tayo rin may sariling interes na inaalagaan ang interes ng kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan. We understand where the reaction is coming from but they should also understand why we’re doing it” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: