Tinanggihan ng PNP Custodial Center ang utos ng Manila Regional Trial Court Branch 46 na ikulong sa PNP Custodial Center ang customs broker na si Mark Taguba.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCSupt. John Bulalacao, ang Court Administrator Circular No. 76-2010 ang naging basehan ng PNP sa hindi pagtanggap kay Taguba.
Base sa dokumento, pinaiiwasan ng Korte Suprema sa lahat ng korte ang pagpapadala ng bilanggo sa PNP Custodial Center. Dahil ito sa puno na ang naturang kulungan at kailangan na nila itong i-decongest.
Ayon kay Bulalacao, may mga kulungan naman ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na maaaring pagdalhan kay Taguba.
Sa kasalukuyan, mayroong 16 detainees ang PNP Custodial Center kung saan 13 ang lalaki at tatlo ang babae.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: Korte Suprema, PNP Custodial Center, Taguba