METRO MANILA – Nagpatupad ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw, matapos ang 8-straight weeks na price rollback.
Epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw, unang nagpataw ng P0.70 increase sa presyo ng kada litro ng gasolina ang kumpanyang Caltex, samantalang P2.90 naman sa diesel at P1 .65 sa kerosene ang ipinatupad nitong dagdag.
Sunod na nagdagdag ng kaparehong price hike sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene ang kumpanyang Shell, Petron, Seaoil at Flying V simula 6 ng umaga
Ang Unioil, Total Philippines, Phoenix petroleum, Petrogazz, PTT Philippines at Jetti Petroleum naman ay nagdagdag rin ng PO.70 sa presyo ng kada litro ng gasolina, samantalang P2.90 naman ang itinaas sa presyo ng diesel.
Magpapatupad din ng kaparehong price increase sa kada litro ng gasolina at diesel ang Cleanfuel simula mamayang 4:01 ng hapon.
Tags: oil price hike