Taas-singil sa kuryente, asahan ngayong Nobyembre

by Radyo La Verdad | November 10, 2022 (Thursday) | 10655

Inanunsyo ng MERALCO ang pagtaas ng singil ng kuryente ngayong Nobyembre.

Sa darating na billing statement, tinatayang tataas ng P0.084/kwh ang singil, ayon sa MERALCO.

Ang mga kumukunsumo ng 200/kwh kada buwan ay magkakaroon ng dagdag singil na P16.80 sa November bill.

Paliwanag ng power distributor, tumaas ang generation charge o presyo ng supply ng kuryente.

Ang problema, matatapos na sa Disyembre ang isa sa 4 na refund na ibinabawas sa bill ng consumers na maaaring magpataas sa bayarin. Mawawala naman sa Enero at Pebrero ang 2 pang refund.

Tags: