Taas-presyo sa produktong petrolyo, inaasahang ipatutupad sa Nov. 28

by Radyo La Verdad | November 27, 2023 (Monday) | 9299

METRO MANILA – Inaasahang magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis bukas araw ng Martes, November 28 matapos ang 3 Linggong magkakasunod na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa inisyal na pagtaya ng oil industry players, posibleng tumaas ng P0.20 hanggang P0.50 ang presyo ng kada litro ng Diesel.

Habang nasa hanggang P0.30 ang inaasahang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Nasa P0.30 hanggang P0.50 naman ang inaasahang pagtaas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE), isa sa mga dahilan ng oil price hike ay ang  pagbawas sa produksyon ng mga Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) kaya tumaas ang presyuhan sa world market.

Gayunpaman, maliit lamang ang naging pagtaas dahil bumaba naman ang demand sa langis ng Estados Unidos.

Tags: , ,