Hindi pa rin nakakapagsagawa ng proklamasyon sa provincial level sa lalawigan ng Pampanga dahil sa kakulangan ng mga election results mula sa isang syudad.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapag transmit ng election results ang syudad ng San Fernando dahil sa problema sa mga sd cards.
Nasa 99.07 percent na ang election results ng syudad at dalawang presinto na lamang mula sa Qeubiawan at Alasas ang hindi pa nakakapag transmit.
Ayon sa Board of Canvassers ng syudad, ang pinam palit na sd card sa mga ito ay nanggaling pa ng Laguna kaya matagal bago sila nakapag simulang mag canvass.
Sa ngayon ay casting of votes palang ang ginagawa at pagkatapos nito ay manual transmission naman ang kanilang gagawin sa syudad at sa provincial.
Tanging syudad San Fernando na lamang ang hindi pa nakakapag proklama sa buong lalawigan.
Dahil dito ay apektado rin ang provincial level at hindi la rin sila makapagproklama.
Ayon sa Provincial COMELEC, mamayang hapon o gabi na ang proklamasyon sa mga nanalong board member at congressman.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: Pampanga, Syudad ng San Fernando