Syrian Refugee Team, ire-represent ang Germany sa Rio Swimming Olympics

by Radyo La Verdad | July 27, 2016 (Wednesday) | 1959
Yura Mardini(REUTERS)
Yura Mardini(REUTERS)

Nabuhay ang Syrian refugee na si Yura Mardini sa pagtakas sa giyera sa Mediterranean.

Pero kahapon hindi siya tumatakas sa giyera kundi patungo siya sa olympics.

Kakatawanin ng 18 years old na si Mardini ang Germany at koponan ng mga refugees na mismong ang International Olympic Committee o IOC ang pumili.

Ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng IOC.

Umalis na si Mardini mula sa Tegel airport sa Berlin na mataas ang moral patungo sa Rio Olympic Games.

Inaasahan na mapapako ang atensiyon ng olympic games kay Mardini at teammates na mula sa South Sudan, Democratic Republic of Congo at Ethiopia.

Paparada si Mardini at temmates bilang independent team sa olympic stadium sa pagsisimula ng olympic games sa August 5.

Tags: , ,